UNANG PAG-IKOT(CHAPTER 1): SA MERRY-GO-ROUND
"Ang buhay daw ay parang walang katapusang Merry Go Round, patuloy na umiikot. May mga sumasakay at bumababa, gaya ng pagdating at pag-alis ng mga tao sa ating buhay. Pag ito'y nasira, pansamantala itong humihinto , gaya ng mga pagsubok na dinadaanan natin. Maaring mahirap man ang mga ito, nagagawa nating lagpasan ang mga problema, at pag muling na kumpuni ay patuloy nanaman ang ikot ng buhay!"
"Yan ang sabi ni Mike Molina kagabi!!" kinikilig na kwento ni Eda sa kanyang ate sa telepono.
Si Eda ang pangalawa sa tatlong magkakapatid. Maputi ang balat gaya ng kanyang ina. Brownish na mapula na buhok na di lalagpas sa balikat, balingkinitan ang katawan, at may kaakit-akit na mga mata. Tila isang anghel na bumaba sa lupa.
"Sayang at di mo napanood yung "Sana'y Maulit Nalang" kagabi ate. Ay, nako, sabi ko sa iyo, ang gwapo talaga ni Mike Molina!!" patuloy na pagkutya ni Eda sa kanyang kapatid.
"Eda! Mamaya na yan at tulungan mo muna kami ng itay mo!" Pasigaw na sinabi ng kanyang ina.
"Papasok na yata ang ate mo sa opisina, paki sabi nalang na mahal na mahal at na-mimiss natin siya." ang dagdag pa nito.
Tuwing umaga, bago pumasok sa eskuwela, tumutulong si Eda sa mga gawain sa kanilang munting panaderia na nasa ibaba lamang ng kanilang bahay. Masarap ang mga lutong tinapay ng kanyang ama, kaya naman madaming bumibili dito. Maaga palang ay halos maubos na ang kanilang mga tinda.
"Magandang umaga Eda! Ang sipag mo talaga." bati ng isa nilang suki.
"Salamat ho! Eto lang po kasi ang maitutulong ko kina nanay at tatay eh!" sabay abot ng biniling tinapay ng ale.
"Balik po kayo!!"
"Maayong buntag sa imo day!" siyang bungad naman ng cebuanong mamimili.
"Si Manong Boy di ay! Abi nako kinsa!" Gulat na sagot ni Eda, nabigla sa pag kalabit sa kanya.
Mula sa Cebu ang pamilya ni Eda, dun siya lumaki hanggang siya'y walong taong gulang. Nakipagsapalaran sa Manila, at dito na nanirahan hanggang sa kasalukuyan. Kaya naman marunong mag cebuano itong si Eda, at ang mga suki nila ay mga galing sa
kabisayaan. Maraming bisaya sa komunidad nina Eda. Marami siyang naging kaibigan, at isa na dito ay ang kapit-bahay nila, ang kanyang bestfriend na si Elle.
"Eda!! Ready ka na ba? Baka ma-late tayo!" hinihingal na sabi ni Elle.
"Teka!!" ang sagot ng nagmamadaling si Eda.
Si Elle, maliit ng kaunti kesa kay Eda, mahaba ang buhok na kulay itim. Balingkinitan. Matangos ang ilong at may mapupungay na mga mata. Taga bohol naman si Elle at ang kanyang pamilya. Lumipat ng Manila, at dito nakilala si Eda. Sabay
lumaki ang magkaibigan kaya naman kilalang-kilala na nila ang bawat isa.
"Pababa na ako Elle!" ang sabi ni Eda sa naiinip na kaibigan.
Unang araw ng pasukan. Unang araw nila sa kolehiyo! Di mapakali. Excited ika nga. Nakukumahog palabas ng bahay, hinihintay ng kaibigan, nag paalam si Eda sa kanyang mga magulang at tumungo na pa-eskwela.
"Dadaanan pa daw natin si France! Sana ready-to-go na yun pagdating natin sa kanila!" siyang biro ni Elle.
"Naku!! Ang sabihin mo, sana gising na siya!" sabay tawa ng dalawa sa binangit na iyon ni Eda.
Makalipas ang ilang minuto, narating na ng dalawa ang bahay ni France. Sa looban pa ng isang subdivision nakatira si France, at sa likuran ng subdivision na ito ay ang lugar nila Eda at Elle.
"AAAAAAAAYYYYYYYY!!" tili ni France. "Mga kakambalz ko!! Tara na at excited na ako! Madami kayang gwapo dun?"
The rich girl, France! Sosy, kikay at fashionista! Payat kesa kay Eda at Elle. Paiba-iba ng hairstyle. Di nahuhuli sa uso, mula iPod hanggang sa pananamit, lahat branded! Pero kahit may kaya ang pamilya, marunong parin itong magpakumbaba. Maganda ang pagpapalaki ng kanyang mga magulang. Unica-iha! Pero di siya spoiled. May pagka-maarte nga lang kung minsan.
Ilang minutong paglalakad lamang ang kakailanganin para marating mo ang eskwela.Marami kang makikitang interesanteng lugar. At isa na dito ay ang madadaanan mong lumang peryahan.
"Hanggang ngayon nandyan parin yang peryahan na yan?" tanong ng nagtatakang si France. "Ya know gurlz, kung ako sa kanila, aayusin ko yang lugar na yan. It's a waste not to use the place. Pwede naman silang mag-tayo ng mall diyan!"
"Oo nga! Bakit di mo nalang bilhin yang lugar na yan France?" sabi ng nakangising si Elle. "At saka, saan ka naman nakarinig ng mall na nasa isang subdivision?"
"What a great idea! Why not?" biro ni France.
"Fishbol ka talaga France!" sagot ni Elle. "Oi Eda, bakit parang tahimik ka diyan?"
Matagal na nakatingin si Eda sa lumang peryahan. Di umi-imik, tila may hinahanap. Hindi maipaliwanag ni Eda, ngunit parang tinatawag siya ng lugar na iyon.
"Na-aalala mo siguro nung maliliit pa tayo ano?" bulong ni Elle kay Eda.
Matagal bago napansin ni Eda ang sinabi ni Elle. Humarap at napatingin nalang siya sa kanyang kaibigan at ngumiti.
"Mamaya na nga yang pag-rereminisc ninyo! Tara na daliiiiiiii!" sabay hila ni France sa dalawa.
Palayo na sila, muling lumingon si Eda. Huling sulyap sa peryahan.
National College of the Philippines. Dito papasok si Eda at ang kanyang mga kaibigan. Panibagong yugto sa kanilang mga buhay. Marami ang nag-aaral dito. Iba't-ibang uri ng estudyante ang makikita mo. Iba't-ibang estado sa buhay. Iba't-ibang ugali. Masayang pumasok ang tatlo. Makikita mo na malaki ang loob ng eskwelahan, lalakarin mo ang malawak na school grounds papunta sa mga school department. Sa gitna ay may fountain. Dito nag hiwa-hiwalay ang tatlo.
"O, paano na? Kitakits nalang mamaya. Dito na lang tayo sa fountain maghintayan ha." paalam ni Elle.
"See ya'! Lunch time mga sis ha?" sabi ni France.
"Sige!" sang-ayon na sagot ni Eda.
Fine Arts ang kinuhang kurso ni Eda. Mahilig kasi siyang gumuhit mula nung bata pa. Sa East side ng school makikita ang Fine Arts building.
"East wing. Room 404." bulong ni Eda sa kanyang sarili habang naglalakad.
Di pansin ni Eda ang nilalakaran niya. Busy kababasa sa schedule card nang makabunggo siya ng isang estudyante.
"What the?" reklamo ng estudyante.
"Naku! Sorry po! Di ko sinasadya. Pasensya na." sabi ng nahihingi ng paumanhin na si Eda.
"Umayos ka nga! Next time tumingin ka sa dinaraanan mo!" pasigaw na sagot ng estudyante.
"Aba..." napatigil si Eda nang mapatingin siya sa estudyanteng naka-bunggo niya.
Matangkad, maputi, may mahabang buhok, matangos ang ilong, pretty boy. Yan si Steven Zayala. At di lang iyon, mayaman at popular pa siya. Halos na kay Steven na ang lahat. Yun nga lang may di kanais-nais sa kanya...
"O, bakit? May problema ba? Haharang-harang ka kasi! sumbat ni Steven.
Mayabang at bilib sa sarili si Steven, kaya naman mahirap siyang gustuhin ng mga tao. Ang mga kaibigan lang niya ay yung mga taong gusto lang pakinabangan ang pagiging mayaman at sikat niya.
"Ay!! Ambot nimo!!" inis na sinagot ni Eda si Steven.
"Kita mo to'! Wala akong naintindihan! A...Ambot ka rin!!" sabi ng nalilitong si Steven.
Galit na umalis at inis na inis, si Eda. Di na niya matiis ang malakas na hangin mula kay Steven.
"Bwisit yun! Nag-sorry na nga yung tao. Akala mo kung sino! Gwapo sana, kaso mayabang!" naiinis na sabi ni Eda.
Lumipas ang umaga. Lunch time na. Nagkita-kita ang magkakaibigan sa tinakdang lugar, dala ang iba't-ibang karanasan nung araw na iyon.
"Oi! Alam niyo ba, may na meet me na new friend sa klase! Sobra! Nakakatuwa siya kasama." masayang nakukuwento si France.
"Sino?" tanong ni Elle.
"Si Marvz!!" sagot ni France.
"Wuy! May boylet ka na agad ha!" Banat ni Eda.
"Takti! Bakla yun noh!" sabay tawa ni France.
"Ay! Talaga!" manghang pagsagot ni Elle. "Oo nga pala. May professor ako na terror! Grabe, first day palang may surprise exam na kami!"
"Over naman yun!" gulat na sabi ni Eda. "Ako, okey lang sana yung araw ko, kaso sinira nung mokong na nabunggo ko! Sobrang yabang niya! Nakakasira ng araw!!"
"Hmm.. Let me guess? It's a guy?" hula ni France.
"Paano mo nalaman?" sagot ni Eda.
"Nako! If I know! May gusto sa iyo yun!" kutya ni France.
"EEWW!!" nandidiring sagot ni Eda.
"Gwapo ba? Ipakilala mo naman kami!" dagdag pa ni Elle.
"Di ko na inalam name niya, at hindi ako interesadong kilalanin pa siya."
"Wow! How taray of you ha! Anyweiz! Hindi na ako makakasabay sa inyo pauwi. Last class ko na ito afterlunch eh." sabi ni France.
"Mga 5pm pa ako sis! Ikaw Eda?" tanong ni Elle.
"Gabi na ako makakauwi. May 7 pm class pa ako." sabi ni Eda.
"Ganun ba? Ingat ka mamaya pag-uwi sis ha!" sabi ng nag a-alalang si France.
"Gusto mo sabay nalang tayo umuwi?" mungkahi ni Elle kay Eda.
"Mauna ka na Elle. Kaya ko naman umuwi eh! Kailangan ka sa inyo noh." sabi ni Eda. "Atsaka, sino mag kukwento sa akin kung anong nangyari sa "Sana'y Maulit Nalang"." dagdag pa nito.
Natapos na ang tanghalian. Muling nag kanya-kanya ang magkakaibigan. Naunang umuwi si France kasabay ng bagong kaibigang si Marvz. Sumunod si Elle nung dapit-hapon na. At naiwan si Eda para sa kanyang pang-gabing klase.
"Hay! Hindi ko tuloy napanood yung paborito kong teleserye." yan ang iniisip ni Eda habang hinihintay na matapos ang klase.
"Okey! class! That's all for today! Don't forget your assignments!" sabi ng guro.
Tila musika sa pandinig ni Eda ang mga sinabi ng kanilang guro. Uwian na. Madilim na sa labas. At maglalakad lang si Eda papauwi.
"Sayang lang kung mamamasahe pa ako." sabi ni Eda.
Mga ilang minuto na ring nag lalakad si Eda. Walang buwan o kahit mumunting mga bituin ang nasa kalangitan, natatabunan ng ulap. May Nararamdamang kakaiba si Eda, para siyang sinusundan. Unti-unti, binibilisan ni Eda ang kanyang lakad, lumalaki ang bawat hakbang, nang biglang may narinig si Eda sa kanyang likuran.
"Clang!"
Tumakbo si Eda. Papalayo sa pinanggalingan ng ingay. Sa sobrang takot, di na napansin ni Eda ang kanyang dinaraanan.
"Blag!"
Sumalpok si Eda sa gate ng lumang peryahan.
"Ayun! Nandun!"
Tama ang hinala ni Eda. May mga sumusunod sa kanya. Wala na siyang matatakbuhan kundi papasok ng peryahan. Binuksan ni Eda ang gate at tumakbo papasok. Ngunit dahil madilim, di na nagawa pa ni Eda na umiwas sa naka tiwang-wang na bakal. Napatid siya dito at tumumba.
"Aray!" sabi ni Eda, mahigpit na kapit sa kanyang kanang paa.
Inabutan si Eda ng mga humahabol sa kanya. Dalawang lalaki. Isang maliit at isang malaki. Kapwa may dala-dalang punyal. Papalapit kay Eda.
"Miss! Pinapahirapan mo naman kami eh. Ano ba gagawin natin dito kosa?" sabi ng maliit na lalaki.
"He! He! He! Maganda ka miss!" tawa ng malaking lalaking. "Madilim naman dito, at walang tao!"
"Ibibigay ko po ang natitirang pera ko. Wag niyo lang po akong saktan!" nagmamaka-awang si Eda.
"Hindi ka namin sasaktan! He! He! He!" papalapit na ang isa kay Eda.
"Magkakaroon lang tayo ng kaunting..." Natigil ang isa.
"Bakit ka tumigil?" tanong ng maliit na lalaki.
"Ti..Tignan mo!" sabay turo sa likuran ni Eda.
"Ta..Takbo na pare!" sabay alis ng dalawang lalaki.
Nakahinga ng maluwag si Eda. Sa wakas ligtas na siya. Salamt sa nag sagip sa kanya. Lumingon si Eda, sa likuran niya, ay isang lumang merry-go-round. Naka-tayo ang isang binata. Matipuno, may katangkaran, kayumanggi ang kulay, ngunit di masyado makita ang kanyang mukha dahil sa kadiliman. May dala-dalang kadena at kahoy.
"Salamat sa tulong mo ha." nakangiti at nakatitig si Eda, na naka handusay parin sa lupa.
"Anong sabi mo?" tanong ng binata kay Eda.
"Sabi ko salamat sa tulong mo. Malaki ang utang na loob ko sa iyo." ang sagot ni Eda, na pinipilit tumayo.
"Nakikita mo ako?" muling tanong ng binata.
"Ano akala mo sa akin? Bulag? Siyempre naman nakikita kita noh!" sabi ni Eda na muli ng nakatayo mula sa pagkakatumba.
"HA! HA! HA! HA!" tawa ng binata, sabay pawi ng mga ulap upang masinagan ng kakaunting ilaw ang mukha ng binata. "Naririnig mo pa ako?"
Makikita na maamo ang mukha ng binata. Gwapings.
"Oo! Bakit ka ba natatawa?" tanong ni Eda. "Bakit, di ba kita dapat makita o marinig?"
"Ikaw ang magsabi kung dapat mo ba akong nakikita at naririnig! HA! HA! HA!" sabi ng binata na patuloy sa pagtawa.
"Eh bakit nga ba hindi dapat?" naguguluhan na si Eda.
Huminto ang binata sa kakatawa. Lumapit ito kay Eda at binulong...
"Dahil matagal na akong patay!"
TO BE CONTINUED!!
BY: KOIPISS
No comments:
Post a Comment